6Ps: Tips to Top the LET by Clarisse P. Cacapit

6Ps: TIPS TO TOP THE LET

By Clarisse P. Cacapit
LET Top 9, September 2015

 

1. PANGARAP

tips to top the let (pangarap)
Ito ang sticky note na nakapaskil sa kwarto ko, na nagpa-alala sa akin ng goal ko sa bawat araw bago ang LET.

DREAM BIG. Katulad nga ng palagi nating naririnig, “mangangarap ka na rin lang lakihan mo na”, kaya naman anuman ang pinapangarap mo, itodo mo na! Deep inside pangarap mong maging topnotcher? Walang masama roon. Turn that big dream into a big goal, and then desire to achieve that goal. Work hard for it.  Huwag mong pansinin ang mga taong nagsasabi sa iyo na,

“Huwag mo nang seryosohin ang LET, LET lang ‘yan eh. Madali lang ‘yan. Huwag ka na mag-review, stock knowledge lang sapat na.”

Do not mind them. Mag-focus ka sa pangarap mo, mag-focus ka sa goal mo.

Another thing, reach for the stars so when you fall you will land on a cloud. Ito ang goal na naka-set para sa sarili ko – TOP, WITH A RATING OF 90%. When the results came out, I was not able to reach my star which is 90%, but I landed on my cloud which is having a rating of 88%.  When you just aim to pass that is just like aiming for 75%, kapag hindi mo iyon na-reach, bagsak ka na. Your choice.

 

2. PURPOSE

Para saan ba ang goal mo? Para kanino ba ito? Bakit gusto mong mag-top sa board exam? Gagawin mo ba ito para sa pamilya mo? Gagawin mo ba ito dahil nagmamalasakit ka sa kabataang Pilipino? Kaya ibibigay mo ‘yong best mo para sa hinaharap ay may lakas ng loob kang sabihin sa mga magiging estudyante mo na ibigay din ang best nila, dahil ikaw nga nakaya mong ibigay ang best mo. O baka gagawin mo ito para sa sarili mo mismo, dahil may gusto kang patunayan sa sarili mo. Patunayan mo sa mga taong minamaliit ka na may mararating ka. Patunayan mo sa sarili mo na kaya mo ring gawin yung ginagawa ng iba. Patunayan mo na tinamad ka lang mag-aral noong college kaya hindi ka nakagraduate nang may honor, pero kung gugustuhin mo lang eh kaya mo rin naman. Alamin mo ang purpose mo, at kung mas malalim ang purpose, mas malaki ang panghahawakan mong motivation para ma-achieve ang goal na gusto mo.

 

3. PLAN

Importante ang pagplaplano. Planning can minimize failure.

Una mag-set ka ng routines mo. Ilang oras sa isang araw ka ba dapat mag-review? Huwag mong palampasin ang isang araw nang wala ka man lang nabasa o na-absorb na concept.

tips to top the let (plan)

In my case, naglaan ako ng at least 3 hours a day para sa review. Pagsumikapan mong wag i-defy ang routine na isi-set mo para sa sarili mo. Panindigan mo. Ilang buwan lang naman iyon. Yes I know, it is hard and tiring, but you know what, it will all be worth it, and during the process, you are going to enjoy it. Kasi matututo ka eh at masarap matuto. Kasama din sa routine ko noong review days ang pag-eexercise. It helps. Kahit 30 minutes to 1 hour lang bawat araw. It will condition your body and your brain. It will also make you feel better and will help you have a more positive disposition in life.

Planuhin mo rin kung ano-anong reading materials ang babasahin mo. I-base mo ito sa TOS ng LET. Ito ang misconception ng karamihan, akala ng marami anything under the sun ang lumalabas sa LET, ngunit ang totoo, mayroon itong TOS na sinusunod.

Ngayon para mas makapagplano ka, kilalanin mo nang mabuti ang sarili mo.

Sa parteng ito, alamin mo kung saan ka mahina, at kung saan ka magaling. Alamin mo rin kung anong klaseng learner ka. Auditory ka ba? Visual? O baka you learn best kapag gumagalaw ka. Anong oras ba pinaka-active ang utak mo? Gabi ba? Umaga? O madaling-araw? Mas gusto mo bang magself-study? Group study o peer tutoring? Mas madali ba ma-retain ang information sa utak mo kapag may music o ayaw mo ng kahit anong sound kapag nag-aaral ka?  Nasa ‘yo iyon kasi magkakaiba tayo sa mga bagay na ‘yan. Mas magiging effective ang pagre-review mo kung self-aware ka sa mga bagay na nabanggit ko.

 

4. POWER-UP

Simple. Magbasa. Wala kang kapupuntahan kung hindi ka nagbabasa kaya magbasa lang nang magbasa. Work smart. Alamin ang scope ng LET para may direksyon ang pagbabasa mo. You can also be creative in reading. You can do your own sticky notes or you can summarize or draw what you have read. As for me, mas nare-retain sa utak ko ang information kapag sinusulat ko ito. Gaya nga ng sinabi ko alamin mo kung ano ang pinaka-effective na technique para sa sarili mo.  Sa tuwing may mai-encounter kang word na hindi pamilyar sa iyo ay i-search mo na kaagad sa dictionary ang ibig sabihin nito. Malaking tulong ang vocabulary sa pag-take ng exam. Mas mauunawaann mo ang mga tanong kung malawak ang vocabulary mo.

tips to top the let power-up)
These are my own preparations for LET.

 

5. PRACTICE

Ang gagawin mo sa LET ay sasagot ng mga tanong, kaya dapat i-practice mo rin ang pagsagot ng mga tanong. Drills kumbaga. Put yourself under time pressure. Mag-set ka ng timer para sa  sarili mo, 30 seconds per question okay na ‘yon.  Huwag kang matakot kung marami kang mali habang nagpra-practice, dahil mas matututo ka habang nagkakamali. Ang importante alamin mo kung bakit ka mali.

practice

 

6. PRAY

pray
Verses which boosted my confidence, calmed my mind and served as my inspiration to top the exam.

If you think you have done everything you could, then surrender everything to God. Lahat ng pag-aalangan, lahat ng kaba, lahat ng takot. Kapag sumapit na ang araw ng exam, maghahalo na ang excitement at kaba. Kaya kahit gaano pa karami ang nabasa o nalalaman mo, kapag nakaramdam ka ng kaba o duda sa sarili mo, maghahanap ka rin ng makakapitan at magpapakalma sa ‘yo. We are so blessed that we have God, whenever and wherever we need Him. He is just a prayer away.

James 1:5: “If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.”

Sana nakatulong ako sa inyo. God bless future LET topnotchers!Kapag nakita ni Lord na mayroon kang magandang intensyon kung bakit gustong-gusto mo ma-achieve ang goal mo na mag-top, eh walang alinlangang ibibigay Niya sa ‘yo kung ano ang hinihiling mo sa Kanya.

Please allow me to express my gratitude to my Mind Gym Review Center family, my Pangasinan State University family, friends, and relatives, for all kind of support that they have given me during my LET journey.


>> Get our free downloadable LET Reviewers <<

Stay updated by following us on our official facebook page @ fb.com/OfficialEducatorsfiles

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *